Thursday, February 9, 2012
"Not Guilty" ang Magiging Hatol kay Corona
"Not Guilty" ang Magiging Hatol kay Corona, at Ano-ano ang Mapatutunayan ng Hatol na Ito?
Sa itinatakbo ng kasalukuyang paglilitis sa Punong Mahistrado (pa man din) ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas na si Kgg. Renato Corona, malinaw na ang magiging hatol ng asunto:
"Walang kasalanan" o "not guilty" si Corona sa mga ipinararatang laban sa kanya, lalo na ang mga paratang ng pangungurakot.
Ang pinakamataas nang hukom sa bansa ang pinararatangan ng pangungurakot, at ang lahat na ng posibleng paraan ay ginagawa upang lumabas kung ano ba talaga ang katotohanan. Kung sino-sino nang mga testigo ang isinasalang, iba't ibang opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan ang ipinatatawag, niluluwagan na ng Impeachment Court ang mga pamantayan ng paglilitis, at live na napapanood sa telebisyon ang paglilitis. Sa ganyang sitwasyon, imposibleng makalusot pa si Corona kung may ginawa man siyang mga anomalya.
Pero hayan, unti-unti na ngang lumalabas ang katotohanan na ang mga paratang laban kay Corona, lalo na ang mga paratang ng pangungurakot, ay pawang mga paratang lamang at wala talagang katotohanan.
At kung "walang kasalanan" nga ang magiging hatol kay Corona, ang mga sumusunod ang mapatutunayan ng magiging hatol na ito:
1. Hindi totoo ang paniniwala na talamak ang korapsyon sa Pilipinas.
2. Ang karamihan sa mga usapin ng korapsyon ay pawang mga paratang lamang at wala talagang katotohanan.
3. At sa gayo'y hindi talaga korapsyon ang dahilan kung bakit naghihirap ang karamihan sa halos 100 milyon nang Pilipino sa ngayon.
Labels:
"Not Guilty" ang Magiging Hatol kay Corona,
not guilty,
Renato Corona,
renato corona impeachment trial,
Walang kasalanan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment